Pagtitinginang hindi na nasilayan
Mga yakap na hindi na mahahagkan
Halik na nakatatak sa aking labi
Alaala nating naisantabi
Pagsasamang hindi na mauulit
Ang pilit na pag-alis ng malasakit
Bakurang hindi na guguho
Nakakandado na ang mga puso
Mga kamay na hindi na maghahawak
Linarakan na hindi na itatahak
Di na magtatagpo po sa mga sulok
Dahil wala na ring mag-uudyok
Mga biruan at tawanan na dapat kalimutan
Pagtapon ng mga napagkwentuhan
Pag-uusap na kinakailangang putulin
Mga naibigay na dapat nang kuhain
Sa di madaling paglayo
Patuloy pa rin ang pagsuyo
Pamamaalam sa ating nakaraan
Pag-usad sa kasalukuyan
Ikaw ang tinik sa aking puso
Kaya kinakailangan kong lumayo
Di ka nararapat sa aking pagsuyo
Hindi na muling babalik pa sa iyo
No comments:
Post a Comment