Friday, July 21, 2017

Party

In a world full of choices, at the end of the day I want you to come running back realizing that I am the best for you out there. 🙂

Gaga ka rin ano?

Ilang taon na ang nakalilipas nung sinaktan mo yung tao. Pinagpalit mo sa iba. Ngayon, pareho na kayong meron pero umaasa ka pa rin.

Alam kong hindi ko mapapalitan ang pwesto mo sa buhay nya. Apat na taon. Bata pa kayo nun. Kolehiyo. Unang tikim. Kahit bali-baliin ko ang katawan ko at bali-baliktarin ang lamang loob ko, hindi ko magagawang tapatan iyon.

Pero marami na ang lumipas na panahon.

Hindi ko sinasabing ako ay may angat sa iyong kahit ano. Magsama kayo kung gusto nyo. Pero kung iyon man ay mangyari at ako naipit, mabuti na lang din siguro. Deserve nyo ang isa't isa.

No comments:

Post a Comment