Wednesday, February 5, 2020

Salubong | Salungat

Tuloy tuloy ang takbo ng aking buhay
Nang biglang
Kasalungat ng daloy nito
Tayo's biglang nagtagpo

Inalala ang maikling panahong
Tayo'y nagkasama
Noong tayo'y mga bata pa
Walang malay at puno ng pag-asa

Marahil isang dekada na rin
Nang tayo'y huling magkita
Ngunit hindi ito maabutan
ng ilang segundong nakasalubong kita

Sa loob ng biglaang pagkakataon
Ako'y napaisip ng lubos
Ano nga ba ang aking gagawin?
Babatiin ka o lalagpas?

Subalit masyadong mabilis ang takbo
Hindi ako nakapagpasya
Sa mata mo lang ako'y tumingin
Iniisip kung ako'y naalala mo rin

Hindi ko mawari kung iyo nang nagawang
Makilala ako sa pagtagpo ng ating mga mata
Ilang sandaling nagpang-abot, ngunit
Dalian ring tumingin sa iba

At kahit malamig ang ating pagkikita
Ito'y sinapuso at pinabayaan ko na
Marami na ang naganap sa isang dekada
Kaya't tama lang na tayo'y humayo na




No comments:

Post a Comment