Wednesday, June 20, 2012

Hindi talaga eh

Parang minsan nagugulat ako pag nakikita kita
Kasi hindi na talaga kita kilala
Wala.
As in wala na akong maalala tungkol sayo,
satin.

Hindi ko na maalala ang mga panahong kasama kita
Ang mga sikretong sayo lang sinasabi
Ang ramdam ng init mo pag katabi
O ang mata mong tinitignan ko habang ang-uusap tayo

Hindi ko na kilala ang boses sa likod ng letra
Ang katauhan sa likod ng larawan
Ang relasyon sa likod ng nakaraan
At ang ngayon sa likod ng alaala
Parang wala
Wala na talaga

Hindi ko rin alam kung anong mararamdaman
Kung masaya dahil hindi na ko iiyak sa gabi
Hindi na ko magluluksa sa pag-asang nawala
At hindi na ako magpipigil ng lubos na pagmamahal
na ngayo'y naglaho na

Kailangan ko bang malungkot dahil nawalan ako ng
matalik na kaibigan?
Ng pangalan sa telepono na palaging nariyan?
Ng komento sa Internet na laging dumarating sa kahit anong ilagay ko?
Ng kaalamang may nakikinig sa bawat letrang sinusulat ko?
Ng taong inakala kong kasama kong mabubuhay sa panghabangbuhay?

Kalayaan nga ba ang nakuha ko nang malimutan kita?
O kawalan ng isang bagay na dati'y mahalaga?

No comments:

Post a Comment