Yun bang nasa isang hapagkainan ka kasama ang mga kaibigan mo
Tapos lahat may kausap, ikaw wala
Yung aalalahanin mo yung taong
Sigurado kang ikaw lang ang kausap
Yun bang kayo lang ang magpapansinan
At siya lang naman ang pinunta mo doon.
Yun bang solo mo siya pag naglalakad
At ang sarap lang ng pakiramdam na katabi mo siya
Segu-segundong tumitingin sa mata niya habang magkekwento
Pero inaabangan mo lang talaga siyang ngumiti,
para sabay kayong ngumiti
Hanggang sa makarating kayo sa destinasyon.
Yun bang pag iyak na iyak ka na sa galit
Iisang pangalan lang sa cellphone mo ang kailangan mo
Kahit anong oras, kahit nasa party pa siya alam mong magrereply.
Kahit masaya siya, makikilungkot siya sayo at sasabihing
Magkita kayo kinabukasan para makwento mo pa.
Yun bang ang saya mo lang na may nakikinig sayo ng totoo
Alam mong hindi ka lang istorbo.
Tingin ko yun yung hinahanap ko eh.
Hindi talaga siya, pero yung presensiya niya sa buhay ko
Ngayon kasi, ako lang mag-isa naglalakad
Ako lang ang tahimik sa mesa
Ako yung nananahimik at walang makausap pag may problema
Noon, dati, nariyan siya. Pero wala na.
Hindi siya ang hinahanap ko.
Kundi isang tao na kapareho niya sa buhay ko
Kelan kaya siya babalik?
Kelan kaya may papalit?
No comments:
Post a Comment