Saturday, February 16, 2013

Walang Lokohan

Ano 'to joke?
Maka-invite lang? Masabi lang na nagsabi?

Hindi naman nito mababago ang lahat.
Hindi mababago ang totoo.
Hindi mabubura ang kasalanan
at hindi makakalimutan ang kagagawan.

Wag mo na kong biruin.
Nakikita ko kung saan ka nanggagaling
Wag ka nang magkaila
Alam ko kung saan ka nanggagaling.

Mas okay nang magalit sa'kin
Mas katanggap tanggap na magtampo
Mas mabuti nang lumayo
Kesa ako'y iyong niloloko.

Hindi ako galit sayo
Kaya mabuti nang wag mo kong bigyan ng rason

Seryosong malaki na ko
Kakayanin ko namang wala ka
Marami naman akong kaibigan
Hindi kita kinakailangan

Nasira mo nang tiwala ko sayo
Wala ka nang magagawa para maibalik ito
Kaya magpatuloy ka na at magpakatotoo
Di na rin naman magkaibigan tayo.

No comments:

Post a Comment